Pagsusuri: Dekada ‘70

JEREMY GUTIERREZ OPRIASA
4 min readMar 9, 2021

--

Photo from https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ffilmappreciationblog.wordpress.com%2F2017%2F02%2F10%2Fdekada-70%2F&psig=AOvVaw2k9zzgy_e0jEq2pFkKYMV_&ust=1615365939643000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNjTv6vpou8CFQAAAAAdAAAAABAJ

Dekada ’70. Panahon ito ng pamumuno ni Marcos na kung saan ang buong Pilipinas ay nasa ilalim ng Martial law. Kapag nariring natin ang salitang “Martial law,” tila Isang madugong panahon kung saan maraming pinahirapan at maraming nasawing buhay ang unang pumapasok sa ating isipan. Sa pagsusuri na ito ay tatalakayin natin ang kalagayan noong Martial law.

Ang nobelang “Dekada ‘70” na sinulat ni Lualhati Bautista, ay tumatalakay sa buhay ng pamilya Bartolome noong panahon ng Martial law. Ang gustong mangyari nila Julian Bartolome Sr. at Amanda Bartolome ay wag ng makialam sa mga nangyayri at mabuhay ng tahimik lamang. Ngunit , isa sa mga anak nila ay miyembro ng isang kilusan na gustong matanggal si dating Pangulong Marcos sa puwesto.

Si Lualhati Torres Bautista ay isang Pilipinang manunulat at isang aktibista. Kilala sya sa mga nobelang nailimbag nya gaya ng “Bata, Bata, Pa`no Ka Ginawa?” at “GAPO.” Mas nakilala pa sya nang nailimbag nya ang nobelang “Dekada ‘70.” Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga di-makatarungan at marahas na pangyayari na nararanasan noong Martial law.

Ang istorya ay umiikot kina Julian Bartolome Sr. na ginagampanan ni Christopher de Leon, Amanda Bartolome na ginagampanan ni Vilma Santos, Julian “Jules” Bartolome Jr. na ginagampanan ni Piolo Pascual, Isagani “Gani” Bartolome na ginagampanan ni carlos Agassi, Emmanuel “Em” Bartolome na ginagampanan ni Marvin Agustin, Jason Bartolome na ginagampanan ni Danilo Barrios, Benjamin “Bingo” Bartolome na ginagampanan ni John Wayne Sace.

Sinisimbolo ni Julian Bartolome Sr. ang mga tatay na mapagmahal at handang ibigay ang lahat para sa pamilya. Hinde sya naniniwala na ang mga babae ay dapat magtrabaho dahil para sa kanya ang ibig sabihin nito ay may pagkukulang sya sa pamilya nya.

Sinisimbolo ni Amanda Bartolome ang mga babaeng kayang gawin ang lahat para sa mga anak. Sinisimbolo rin nya ang mga babaeng naniniwala sa pantay na pagtingin sa mga tao dahil para sa kanya lahat ng kayang gawin ng mga lalaki ay kaya rin ng mga babae.

Sinisimbolo ni Julian “Jules” Bartolome Jr. ang mga aktibistang lumalaban at handang iskripisyo ang sarili para sa kalayaan at kaayusan ng bansa.

Sinisimbolo ni Isagani “Gani” Bartolome ang mga taong maagang nagka-asawa at anak. Kinahihiyan sya ng kanyang pamilya dahil nagka-anak sya agad. Sya ay pumunta ng Amerika upang sumali sa US Navy at pumirme doon.

Sinisimbolo ni Emmanuel “Em” Bartolome ang mga taong nagpapatuloy ng mga gawain ng iba para matuloy at makamit ang nais nilang makamtan. Tinuloy nya ang ginagawa ni Jules para sa mga karapatan ng tao.

Sinisimbolo ni Jason Bartolome ang mga taong nalulong sa bisyo at biktima ng di-makatarungang pagpatay. Sya ay basta nalang pinatay ng mga korupt na pulis.

Sinisimbolo ni Benjamin “Bingo” Bartolome ang mga taong nagmamasid lang kung ano ang mga nangyayari sa palagid nila.

Ang teoryang Realismo ay ginagamit ng mga nais ipakita ang mga nangyayari sa lipunan. Pinapakita ang mga katotohanan sa totoong buhay na nais ipahatid ng manunula. Magagamit natin ito sa simula ng pelikula kung saan kumakanta ang mga anak nila Amanda ng hindi magandang kanta. Ayos lang daw kay Amanda na kantahin ito dahil ito daw ang tinuturo sa kanila sa paaralan. Magagamit din ito sa mga nagwewelga at mga estudyanteng tulad ni Jules na sumasali sa mga kilusan upang maipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Nang ideneklara ang martial law ng dating pangulong Marcos, maraming tao ang gustong masibak si dating pangulong Marcos sa puwesto nya dahil sa mga korupt at di-makatarungang pagpatay ng mga pulis sa mga inosenteng tao tulad ni Jason. Si Jason ay isa sa mga biktima ng mga korupt na pulis na ito. Basta-basta nalamang syang pinatay ng walang kalaban-laban. Sa mga panahong din ito ay nabuntis ni Gani ang kanyang kasintahan na si Evelyn. Pinakita rito gamit ang teoryang realismo ang mga marahas na pangyayari at di-makatarungang pagpatay sa mga inosenteng tao.

Magagamit rin natin ang teoryang peminismo dito. Ang teoryang peminismo ay ginagamit upang ipakita ang mga kakayahan ng mga babae at para maiangat ang pagtingin sa kanila ng lipunan. Makikita ito sa sa eksena kung saan nagalit si Julian Bartolome Sr. ng sabihin ni Amanda na gusto nyang magtrabaho dahil ayon kay Julian Bartolome Sr., ang dapat lang gawin ng mga babae ay mag-alaga ng mga anak nila at pinaniniwalaan nya na hinde nya kayang buhayin ang pamilya nila at may pagkukulang sya sa kanila kaya napag-isipan ni Amanda na magtrabaho.

Nang tumagal at di na kayang magtiis si Amanda, napagdesisyonan nya na humiwalay kay Julian Bartolome Sr. Magagamit natin dito ang teoryang eksistensyalismo dahil ang teoryang eksistensyalismo ay tumutukoy sa kalayaan ng mga tao na makapagdesisyon para sa kanilang sarili. Hinde lang kay Amanda makikita to. Makikita rin ito kay Jules na nagdesisyon sya na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino.

Ang pelikula o nobelang Dekada ’70 ay nirerekomenda ko sa mga tao, lalo na sa mga kabataan para mamulat sila sa mga nangyayari sa lipunan at para marami silang matutunan tungkol sa kanilang sarili at lipunan at para matuto silang ipaglaban ang kanilang karapatan o ang kanilang sarili mula sa mga di-makatarungang ginagawa sa atin.

Sanggunian:

Filipino: Mga Teoryang Pampanitikan (kadipanvalsci.blogspot.com)

--

--